Posts

Showing posts from January, 2025

JANUARY 31: ANG PAGPILI SA BUHAY O SA KAMATAYAN.

  BASAHIN: DEUT. 18: 13-22; 30: 15-20 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2018&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2018&version=MBBTAG ) at https://www.biblegateway.com/passage/... Narito ang isang sipi ng dakilang paglalahad ni Moises sa mga tao ng Israel. Nagsasalita sa pamamagitan niya ang Espiritu Santo. Tinuturuan niya ang mga kaluluwa nila habang papunta sila sa Lupang Pangako. Kaya siya ang unang propeta ng Israel. Bilang tagapagpalaya, gabay at mambabatas ng bayan ng Diyos, si Moises ay sagisag ni Hesus, ang katangi-tangi at sukdulang Tagapamagitan ng Diyos at ng tao. Sa mga talatang ito mula sa Deuteronomio, ipinapakita ang mga kondisyon at hamon ng Tipan.   ANG BUHAY AT KALIGAYAHAN AY MATATAGPUAN SA TINIG NG PANGINOON. IHAYAG MO, PANGINOON, ANG IYONG TINIG SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA KASULATAN.

JANUARY 30: ANG DIYOS LAMANG ANG SUNDIN

  BASAHIN: DEUT. 13:1-9; 14: 1-2 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2013&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2013&version=MBBTAG ) Sa parte ng Diyos, palagi siyang tapat sa kanyang mga anak. Kaya nais niya umiwas sila sa mga maling propeta at sa mga diyus-diyosan. Buong tiyaga na ginagabayan sila kahit na patuloy silang nagbibigay ng sama ng loob sa Panginoon dahil sa kanilang pagtalikod. At lubhang masaya ng Panginoon tuwing mamahalin siya ng bayan nang buong puso at buong pagkatao nila. Narito ang isang magandang pananalita mula kay Moises, sa dulo ng kanyang buhay.   DIYOS NG PAG-IBIG, IKAW AY MAPANIBUGHUIN; SA LAHAT NG BAGAY MANATILI NAWA AKONG TAPAT SA IYONG SALITA.  

JANUARY 29: ANG KATAPATAN SA TIPAN.

  BASAHIN: DEUT 8: 11-18 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG )   Sa pagbubukas ng pinto ng Lupang Pangako sa kanyang bayan, patuloy ang pagtuturo ng Diyos sa kanila. Nais niyang huwag silang mahulog sa kayabangan at pagsasarili. Ang pakay niya ay gawin silang masaya sa pagbibigay ng materyal at espirituwal na kaloob, at tanging ang pananatiling tapat nila sa Tipan ang hinihingi niyang kapalit.   HUWAG NAWA AKONG MAGING ALIPIN NG MGA KALOOB MONG MATERYAL NA BAGAY, PANGINOON. MAIALAY KO NAWA AT MAGAMIT ANG MGA ITO PARA SA KABUTIHAN AYON SA IYONG KALOOBAN.  

JANUARY 28: ANG PAGSUBOK SA DISYERTO.

  BASAHIN: DEUT 8:1-10 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG )   Ipinagpapatuloy ng Diyos ang kanyang mga pangako sa mahal niyang bayan. Sa dulo ng apatnapung taon ng pamali-maling paglalakbay sa disyerto, isiniwalat niya ang kahulugan ng mahirap at walang tigil na paglalakbay na ito; ang pagsubok ay isang pagtuturo sa mga tao sa gitna ng kahirapan at kakulangan. Ganito pa din nagtuturo ang Diyos ng aral sa buhay ng kanyang mga minamahal.    PANGINOON, IBIGAY MO ANG BIYAYA NA MAISABUHAY NAMIN ANG MGA PAGSUBOK BILANG LANDAS TUNGO SA KABABAANG-LOOB NA MAGDADALA SA AMIN SA LALONG MALALIM NA PANANAMPALATAYA.

JANUARY 27: MAKINIG KA, ISRAEL!

  BASAHIN: DEUT 6: 4-14 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%206&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%206&version=MBBTAG )     Sa maliit na bayang pinili ng Diyos, nagbitaw siya, sa pamamagitan ni Moises ng pahayag ng kanyang pag-ibig. Ibinigay niya sa kanila ang hindi pa naririnig kailanman na pangako ng pag-ibig. Tanging hinihingi lamang niya ay ibalik sa kanya ang pag-ibig at katapatan nila. Ganito ang kahulugan ng pagtupad sa mga utos ng Diyos. Ito ang kondisyon ng pananatili ng Tipan.   PANGINOON, IUKIT MO PO SA PUSO KO ANG MGA SALITANG IBINIGAY MO KAY MOISES; MAGNINGNING NAWA ANG PUSO KO SA PAG-IBIG MO.

JANUARY 26: ANG SAMPUNG UTOS, ANG KASUNDUAN NG TIPAN.

  BASAHIN: DEUT: 5: 1-21 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%205&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%205&version=MBBTAG )   Narito ang sandali na ipinakilala ng Diyos ang kanyang mga utos na dapat tuparin ng mga nagmamahal sa kanya: ang Sampung Utos o Decalogo, ang daan para sa kabutihan ng tao. Ang sampung mga utos na ito na bunga ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang nilikha, ay nananatili, at hanggang sa wakas ng panahon ay magiging batayan ng mga batas ng tao sa lupa.   PANGINOON, IBIGAY MO SA AMIN ANG IYONG MGA UTOS UPANG MABUHAY KAMI SA IYONG KAGALAKAN.  

JANUARY 25: ANG TIPAN SA SINAI.

  BASAHIN: EXO. 19: 1-9 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2019&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2019&version=MBBTAG )   Sa paanan ng Sinai, si Moises at ang mga tao ay dumating tungo sa kanilang paglalakbay sa Lupang Pangako na isang malaking pangyayari sa buhay nila. Inihanda ng Panginoon nang buong pagmamahal ang mga tao para sa sandaling ito na mahalaga at nagbigay siya ng batas na dapat tuparin sa pagitan ng Diyos at tao, at sa pagitan ng tao at ng kapwa niya.   SA SIMBAHAN, KAMI AY GINAWA MONG NAKATALAGA SA PAGLILINGKOD SA IYO, PANGINOON; NAWA ANG AMING PAMAYANANG MAY DIWANG MAKA-PARI AY MANATILING MASUNURIN SA IYO.  

JANUARY 24: PAG-ALALA SA MGA KAHANGA-HANGANG GAWA NG DIYOS.

  BASAHIN: AWIT 78: 3-7; 23-25 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%2078&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%2078&version=MBBTAG )   Umaawit ang salmista ng pasasalamat sa mga kabutihan ng Panginoon sa nakaraan. Dapat manatili ang mga kabutihang ito sa ating ala-ala, sa bawat salinlahi.   NAWA ANG AKING TINIG AY UMALINGAWNGAW SA IYONG KABUTIHANG GINAGAWA SA AMING MGA TAO, PANGINOON, MULA SA AMIN AT SA AMING MGA ANAK AT SUSUNOD PANG SALINLAHI.

JANUARY 23: SI HESUS ANG TINAPAY O PAGKAIN NG BUHAY.

  BASAHIN: JUAN 6: 27-40 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%206&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%206&version=MBBTAG )     Ang “manna” na tinapay na pang-lupa, ay napapanis. Si Hesus ang tunay na “manna” o tinapay mula sa langit. Siya ang “trigo” (wheat flour) ng langit, ang tinapay na nagpapalakas, ang “Tinapay ng Buhay.” Siya lamang ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Upang makabahagi sa kanya, kailangan lamang ay manampalataya kay Hesus na ating Panginoon.   PANGINOON, NAWA MAS MARAMING TAO ANG MAKATUKLAS NA IKAW ANG TINAPAY NG BUHAY. TURUAN MO AKONG LALONG MAHALIN ANG EUKARISTIYA, ANG BANAL NA MISA.

JANUARY 22: BINUSOG NG DIYOS ANG KANYANG BAYAN.

  EXO 16: 9-35   [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2016&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2016&version=MBBTAG )     Ang pagtawid sa disyerto ng Israel ay napakahirap na karanasan. Naubos ang pagkain. Nagreklamo ang mga tao. Subalit hindi nagpabaya ang Diyos sa kanyang bayan. Ang “manna” isang uri ng hamog na lasang tinapay na may pulot, ang nagbigay ng nutrisyon sa kanila. Ito ang hudyat ng isang panibagong pagkain na magmumula sa langit…   PAKAININ MO KAMI PANGINOON, NG IYONG TINAPAY NG SALITA AT NG IYONG BANAL NA KATAWAN SA LAHAT NG ARAW NG AMING BUHAY.

JANUARY 21: SI KRISTO ANG ATING PASKUWA, ANG KORDERONG PINATAY.

    PAHAYAG 5:6-14 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Pahayag%205&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Pahayag%205&version=MBBTAG )   Ang pangitain ng Korderong pinatay/ isinakripisyo ang nagbubunyag ng tagumpay ni Kristo at ang pagdating ng Kaharian. Ipinagbubunyi siya ng malaking hukbo ng mga taong naaakit sa kanya. Isinisigaw ni San Pablo sa kanyang mga sulat (epistles), na parang isang awit ng tagumpay, ang bagong kahulugan ng pagtawid - ang kamatayan at Pagkabuhay ni Kristo na siya ngayong Paskuwa ng Bagong Tipan.   Sa aklat ng Pahayag (Apocalypse o Revelation), mababasa sa istilong simboliko na karaniwan sa Lumang Tipan, ang malalim na kahulugan ng kasaysayan kasama ang misyong propetiko ng Simbahan at ang pagdating ng bagong sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus. Siya ang Korderong pinatay/ isinakripisyo, na ang kamatayan ay naging katubusan ng lahat. Siya ang muling nagtatag ng pagkakaisa sa papuri at ang ating pa...

JANUARY 20: ANG UNANG PASKUWA, ANG PAGDAAN NG PANGINOON.

  EXO 12:1-41 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2012&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%2012&version=MBBTAG )     Sa huling yugto ng pagliligtas, inanyayahan ng Diyos ang mga pamilya ng Israel na magsakripisyo ng kordero (lamb) o batang tupa. Siya naman mismo ang dadaan sa mga pintuan ng kanilang tirahan. Ang pagdaan ng Panginoon, ang pagtawid na ito ay ang “Paskuwa” ng Panginoon. Ilang libong taon matapos ito, ang Diyos mismo ang magiging korderong isinakripisyo (lamb of sacrifice), sa katauhan ni Kristo Hesus. Ngayon ang Paskuwa ay nagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon (Easter paschal event). Tulad ng dugo ng kordero, ang Dugo ng Kordero ng Diyos ang nagliligtas sa sangkatauhan, dahil si Hesus ang siyang Tagapagligtas ng mundo.   PANGINOON, TATAKAN NAWA AKO NG DUGO NG KORDERONG INIALAY, SA AKIN NAWA ITO AY MAGING PASKUWA NA WALANG KATAPUSAN.

JANUARY 19: ANG PUNONGKAHOY NA NAGLILIYAB.

EXO. 3: 1-14 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%203&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Exodo%203&version=MBBTAG ) Matapos ang ilang daang taon o siglo, naging alipin ang Israel sa Ehipto. Sa banal na bundok ng Horeb – ang Sinai – binigyan ng Diyos ng misyon si Moises na palayain ang Israel. Ang mga tao ay maglalakbay mula pagkaalipin tungo sa paglilingkod sa Diyos. Sa plano ng pagmamahal niya, ang Israel ay may mahalagang misyon mula sa Diyos. Narito ang isa sa taluktok ng Lumang Tipan.   PANGINOON, ILABAS MO AKO SA PANLOOB NA “EHIPTO” NG AKING PUSO, KUNG SAAN AKO AY NAGIGING ALIPIN NG KASALANAN.

JANUARY 18: PANANAHAN NG MGA EBREO SA EHIPTO.

  BASAHIN: GEN. 46:1-5; 47: 27-29; 48: 15-21 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2046&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2046&version=MBBTAG )    Si Jacob, na anak ni Isaac, ang naging ama ng 12 tribo ng Israel. Nagtungo siya sa Ehipto upang makita muli ang anak na si Jose, bago siya mamatay. Dalawang patong na pagbabasbas ang iginawad niya sa kanyang anak. Dumami ang mga Israelita sa Ehipto, pansamantalang tahanan, tulad din ng gagawin doon ng Banal na Mag-anak pagdating ng panahon.     MAUNAWAAN KO NAWA NA AKO AY BAHAGI NG PAMILYA NI ABRAHAM, ISAAC AT JACOB NA BUONG BUHAY NA SUMUNOD SA IYO, PANGINOON.

JANUARY 17: PASASALAMAT PARA SA MGA PANGAKO NG TIPAN.

  Awit 105 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20105&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20105&version=MBBTAG ) Matapos ang pagsulyap sa katauhan ni Abraham, narito ang isang salmo, isang awit ng pasasalamat. “Papurihan ang Panginoon! Siya ay hanapin.” Ang hindi nakita ng salmista ngayon ay atin nang nakikita; kay Hesus nababanaag na ang Mukha ng Diyos. At tayo ay kanyang pinili, kay gandang mapili niya. Hitik sa kagalakan ang salmong ito, ang ugali ng isang mananampalataya at ng isang nagagalak kay Kristo!   ANG KAGALAKAN NG PANGINOON NAWA’Y MANAHAN SA AKING PUSO NA TAGAPAGMANA NG TIPAN.  

JANUARY 16: IBINUNYAG NI HESUS ANG KANYANG PAGKA-DIYOS.

  BASAHIN: JUAN 8:51-59 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG )   Ipinakita ni Hesus ang kanyang tunay na pagkakakilanlan (identity) bilang Diyos. Ibinigay niya ang kanyang pangalan – siya ang Walang Hanggan. Ang pananampalataya sa kanya ang nagbubukas sa atin ng buhay na walang hanggan. Si Abraham ang ama ng mga sumasampalataya; Si Hesukristo ang huling hantungan natin tungo sa Ama at sa Espiritu Santo. PANGINOON, MANATILI NAWA AKONG MATAPAT SA IYONG SALITA. SA PAMAMAGITAN NIYA, MARATING KO NAWA ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

JANUARY 15: PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO, NAKAUGAT KAY ABRAHAM.

  BASAHIN: ROM. 4:3-25 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Roma%204&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Roma%204&version=MBBTAG )   Dahil sa kanyang pananampalataya, pinili ng Diyos si Abraham at binalot ng kanyang pagpapala. Tulad niya, sa ating pananampalataya din tayo nagiging matuwid, ibig sabihin nito, nakakahalintulad tayo sa kalooban ng Diyos. Nagiging bahagi din tayo ng kahanga-hangang pangako na ginawa kay Abraham at sa kanyang salinlahi. Ang pananampalataya natin ay kay Kristong Muling Nabuhay; siya lamang ang nagbunyag sa atin ng tunay na mukha ng Diyos.   PANGINOON, GAWIN MO KAMING MATUWID SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, NA KAMI AY MAKASUNOD SA IYONG BANAL NA KALOOBAN.  

JANUARY 14: ANG PANANAMPALATAYA, LANDAS NG TIPAN.

    BASAHIN: HEBREO 11: 1-10 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Hebreo%2011&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Hebreo%2011&version=MBBTAG ) Ang sulat sa mga Hebreo ang nagbibigay sa atin ng halimbawa ni Noe at Abraham. Ang pananampalataya ay pananalig na naglalapit sa Diyos, ang hindi nakikita ay sapat nang ebidensya. Nauuhaw ang Diyos sa pag-ibig. Nais niyang mahalin siya sa paraang walang pamimilit sa tao sa pamamagitan ng pagbubunyag niya ng kanyang kaluwalhatiang hindi nakikita.   PANGINOON, TAGLAY NAMIN ANG BUHAY NA ITO, UPANG MABUHAY SA PANANAMPALATAYA.

JANUARY 13: ANG PAGTALIMA NI ABRAHAM.

  BASAHIN: GEN. 22: 1-18 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2022&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2022&version=MBBTAG ) Bagamat matanda na, si Sara na asawang legal ni Abraham ay nagbigay sa kanya ng anak na lalaki na matagal na nilang inaasam. At kung gaano kabilis sumunod ni Abraham sa Salita ng Panginoon, ganoon din kabilis niyang handang isakripisyo si Isaac na minamahal niyang anak. Namuhay si Abraham sa pagsunod na buo at tapat. Salamat sa kanya, tayo ay naging anak ng Diyos sa pananampalataya magpakailanman. Si Isaac na kaisa-isang anak ni Abraham at Sara ay magiging sagisag ni Hesus, ang Bugtong na Anak ng Diyos.   TURUAN MO PO AKONG TUMUGON SA IYO, PANGINOON NG “NARITO AKO!” SA ANUMANG MISYON NA IAATAS MO SA AKIN.  

JANUARY 12: ANG TIPAN KAY ABRAHAM, AMA NG MARAMI

  BASAHIN: GEN. 17: 1-19 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2017&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2017&version=MBBTAG )     Ang lumakad sa harap ng Diyos, iyan ay ang manatiling tapat sa Tipan (covenant) na ginawa ng Diyos kay Noe. Iyan din ang ginawa ni Abraham na kahanga-hanga sa pagsunod. Ang Tipan ay sasariwain kay Isaac na anak ni Abraham, at sa kanyang salinlahi. Sa buong kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Tipan ay patuloy na sasariwain at pagtitibayin. Naging bahagi tayo ng bayan ng tipan. Dapat nating panatiliin din itong buhay sa ating isip at pahalagahan ang ating pagkakaisa sa Diyos; sa pamamagitan ni Hesus na nagpatibay ng Tipan sa kanyang dugo, ang “bago at walang hanggang tipan.”     SALAMAT PO, PANGINOON, NA GINAWA MO KAMING TAGAPAGMANA NG TIPAN NA SINIMULAN MO KAY ABRAHAM.

JANUARY 11: ANG PANANAMPALATAYA NI ABRAHAM

  BASAHIN: GEN 12: 1-8, 13:5-18 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2012&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2012&version=MBBTAG )   Si Abraham ay mula sa lahi ni Noe sa anak na si Sem, lumaki sa Ur sa Persian Gulf, sa gitna ng isang bayang naniniwala sa paganong kulto. Nagbunyag ng sarili ang Diyos sa kanya. Sinabihan siyang iwanan ang kanyang sariling bayan. Pinangakuan siya ng pagbabasbas, kasama na ang kanyang salinlahi at ang lahat ng sasampalataya dahil sa kanya. Sumunod si Abraham, at naging ama ng lahat ng sumasampalataya, ang ating ama sa pananampalataya sa iisa at lubhang mabuting Diyos.   NAWA ANG HALIMBAWA NI ABRAHAM, PANGINOON, ANG MAGING GABAY KO UPANG ISUKO ANG SARILI SA IYO SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD.  

JANUARY 10: ANG BAHAGHARI, TANDA NG TIPAN.

  BASAHIN: GEN 7:1-17, 8:6, 8, 11, 14, 18-20; 9:8-13, 16-17 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG )     Ang nag-iisang mabuting tao sa isang bulok na henerasyon ay naligtas sa baha kasama ang kanyang pamilya. Sa kanya unang nakipagtipan nang pormal ang Diyos. Ang bahag-hari (rainbow) ang tanda ng tunay at kongkretong tipan na ito. Ang bagong henerasyon na si Noe ang ama ay nakinabang sa pangako ng Diyos na ligtas na ang mundo sa pagkawasak.   ANG TIPAN NG PAG-IBIG MO, PANGINOON, ANG LAGI NAWANG MAG-UGNAY SA ATIN!

JANUARY 9: SINARIWA NG DIYOS ANG TIPAN.

  BASAHIN: GEN. 6: 5-9, 13-14, 17, 22 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%206&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%206&version=MBBTAG ) Sa paglipas ng panahon, lumaganap ang kasamaan sa mundo at maging ang Diyos ay nagisisi kung bakit nilikha pa ang tao. Samantala, iniligtas niya ang sangkatauhan alang-alang sa isang taong mabuti. Nakipagtipan ang Diyos sa taong ito. Nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang larawan at wangis, kaya maaatim ba niyang puksain siya sa mundo? Si Noe ang mabuting tao na kahalili ni Adan sa pagpapatuloy ng sangkatauhan at ng buhay ng Diyos sa puso ng tao.   DIYOS NG AWA, ILAYO MO PO ANG TAO SA MAKAPAGDADALA SA KASALANAN; MATAGPUAN NAWA NAMIN ANG LANDAS NG PAGSISISI.

JANUARY 8: ANG UNANG PAGPATAY.

    BASAHIN: GEN. 4: 1-15 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%204&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%204&version=MBBTAG )   Bumalik ang kasamaan na may matinding puwersa sa hanay ng sangkatauhan. Ang unang pagpatay sa kasaysayan ay pagpaslang sa pagitan ng magkapatid sa si Cain at Abel. Lahat ng pagpatay ay pagpatay sa kapatid, dahil ang pinapaslang ay isang taong anak ng Diyos Ama at lahat ay magkakapatid sa kanya. Kahit ang mamamatay ay nakakabahagi din sa mahiwagang proteksyon na ibinigay ng Diyos kay Cain. Ang awa ng Diyos ay walang pinipili, kahit makasalanan, basta magsisisi at tumawag sa kanya.   PANGINOON, MAAWA KA SA MGA PUMAPATAY SA KANILANG KAPWA; PATI NA SA MGA PUMAPATAY NG KALULUWA NG IBA; PAGBAGUHIN MO PO SILA!

JANUARY 7: ANG PAGLABAG SA TIPAN.

  BASAHIN: GEN 3: 1-15 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%203&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%203&version=MBBTAG )     Nagwalang-bahala ang lalaki at babae sa kalayaang handog sa kanila ng Diyos ng pag-ibig sa halamanan. Nilabag nila ang dakilang utos, at nagpadala sa tukso ng isang tinawag ni Kristo na “mamamatay-tao sa simula pa” (Jn 8:44); subalit ang pagkakamaling ito ay hindi humantong sa pagsasara ng puso ng Diyos. Ang awa ng Diyos ay walang hanggan. Matutunghayan dito ang mahalagang gampanin ng Ina ni Kristo (Gen. 3:15) sa tunggalian laban sa “ama ng kasinungalingan” (Jn 8:44) at lubos na kasamaan.   O ESPIRITU SANTO, TULUNGAN MO AKONG MAKILATIS ANG MABUTI AT MASAMA SA ARAW-ARAW KONG BUHAY.

JANUARY 6: WALANG HANGGAN ANG KANYANG PAGMAMAHAL.

  BASAHIN: AWIT 135: 1-9 - [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20135&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20135&version=MBBTAG )   Sa katapusan ng paglikha, dapat lamang na ibulalas ang ating awit ng papuri at pagkilala. Dito nararapat gamitin ang isang Salmo/ Awit. Ang salmo o awit (sa griyego ay “psalmos”) ay isang awit sa saliw ng gitara na nagmumula sa awit pagsamba; nilikha ang salmo para sa pagpupuri sa Diyos. Ang mga Salmo/ Awit ay isang malaking koleksyon ng mga pagsamo at pagtawag sa Diyos sa iba’t-ibang okasyon. Ang Awit 135 ay pasasalamat at kagalakan sa Diyos na Manlilikha ng lahat, sa Diyos ng Pag-ibig. Inaawit ito nang sagutan, habang nagpuprusisyon ang mga Hudyo; awit ito ng sangnilikha na nakabatay sa pag-ibig na siyang pinagmulan at taluktok ng lahat ng bagay.   SALAMAT PO, PANGINOON, SA PAG-IBIG MONG WALANG HANGGAN!

JANUARY 5: ANG TAO, KAWANGIS NG DIYOS.

  BASAHIN: GEN 1:26-29, 31; 2: 1-4 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%201&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%201&version=MBBTAG )   Tungkol sa tao, narito ang pinakamahalagang talata sa Bibliya. Dito susunod ang lahat ng pangyayari, pati na ang Pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos at ang ating katubusan. Inilalantad na dito ang katotohanan ng pagiging tao. Nilikha sa wangis ng Diyos, siya ang taluktok ng buong sangnilikha. Sa paglikha sa tao sa ika-anim na araw, ang Panginoon ay “lubos na nasiyahan,” mas higit pa sa naramdaman niya sa ibang naunang nilikha. Tila nakapunla sa tao ang binhi ng pagkadiyos. Ang binhing ito ay lalago at magiging ganap sa katauhan ni Kristo sa kanyang pagdating. Lahat ng nilikha ay inatasang maglingkod sa tao. Ang tipanan ng pag-ibig sa Diyos ay dapat magdala sa tao na ituring ang kalikasan na may paggalang at pagmamahal.   PURIHIN KA, PANGINOON, SA IYONG PAGLIKHA SA AMIN SA IYONG W...

JANUARY 4: INIHANDA NG DIYOS ANG MUNDO UPANG SALUBUNGIN ANG TAO.

  BASAHIN: GEN. 1:14-25.   https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%201&version=MBBTAG     Ang salaysay ng bawat yugto ng paglikha ay tila isang makapangyarihang tula. Hindi ito dapat ituring na salaysay na siyentipiko kundi isang pagtuturong teyolohikal (hindi science kundi pananampalataya ang pakay nito). Taglay ang pag-ibig, inihanda ng Diyos, sa kanyang marangyang plano, ang mundo na siyang magiging tirahan ng tao. Sa masaganang tirahang ito, dapat magkaroon ang tao ng isang karunungang mapagnilay. Dapat magkaroon ang bawat Kristiyano ngayon ng isang isip na laging namamangha sa tahanang inihanda ng Manlilikha para sa ating lahat, isang pagkamangha sa kalikasan!   PANGINOON, BIGYAN MO AKO NG PAGHANGA AT PAGGALANG SA KALIKASAN AT LAHAT MONG NILIKHA!