JANUARY 17: PASASALAMAT PARA SA MGA PANGAKO NG TIPAN.
Awit 105
Matapos ang pagsulyap sa katauhan ni Abraham, narito ang isang salmo, isang awit ng pasasalamat. “Papurihan ang Panginoon! Siya ay hanapin.” Ang hindi nakita ng salmista ngayon ay atin nang nakikita; kay Hesus nababanaag na ang Mukha ng Diyos. At tayo ay kanyang pinili, kay gandang mapili niya. Hitik sa kagalakan ang salmong ito, ang ugali ng isang mananampalataya at ng isang nagagalak kay Kristo!
ANG KAGALAKAN NG PANGINOON NAWA’Y MANAHAN SA AKING PUSO NA TAGAPAGMANA NG TIPAN.
Comments
Post a Comment