January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS

 

BASAHIN: JUAN 1: 1-18 https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%201&version=MBBTAG

 

Ang Diyos ay pag-ibig na ibinunyag sa tao sa pamamagitan ng Salita, ibig sabihin, sa pamamagitan ng Salitang nagkatawang-tao, ang Ikalawang Persona sa Santissima Trinidad, ang ating Panginoong Hesukristo, ang Salita ng Diyos na siyang liwanag sa gitna ng kadiliman; siya ang tanglaw sa landas ng mga tao. Sa kanya, tayo’y naging mga anak ng Diyos. Siya, ang Salitang Tagapaglikha, ang dahilan kung bakit tayo ay nalikha. Ang pasimula ng Mabuting Balita ni San Juan ay kahanga-hanga tulad ng agilang lumilipad. Kaya nga, ang ebanghelyong ito ay sinasagisag ng isang agila mula pa noong ikalawang siglo.

 

O HESUS, SALITA NG DIYOS, PUNUIN MO ANG BUHAY KO NG PRESENSYA MO!

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG