Posts

JANUARY 16: IBINUNYAG NI HESUS ANG KANYANG PAGKA-DIYOS.

  BASAHIN: JUAN 8:51-59 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG )   Ipinakita ni Hesus ang kanyang tunay na pagkakakilanlan (identity) bilang Diyos. Ibinigay niya ang kanyang pangalan – siya ang Walang Hanggan. Ang pananampalataya sa kanya ang nagbubukas sa atin ng buhay na walang hanggan. Si Abraham ang ama ng mga sumasampalataya; Si Hesukristo ang huling hantungan natin tungo sa Ama at sa Espiritu Santo. PANGINOON, MANATILI NAWA AKONG MATAPAT SA IYONG SALITA. SA PAMAMAGITAN NIYA, MARATING KO NAWA ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

JANUARY 15: PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO, NAKAUGAT KAY ABRAHAM.

  BASAHIN: ROM. 4:3-25 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Roma%204&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Roma%204&version=MBBTAG )   Dahil sa kanyang pananampalataya, pinili ng Diyos si Abraham at binalot ng kanyang pagpapala. Tulad niya, sa ating pananampalataya din tayo nagiging matuwid, ibig sabihin nito, nakakahalintulad tayo sa kalooban ng Diyos. Nagiging bahagi din tayo ng kahanga-hangang pangako na ginawa kay Abraham at sa kanyang salinlahi. Ang pananampalataya natin ay kay Kristong Muling Nabuhay; siya lamang ang nagbunyag sa atin ng tunay na mukha ng Diyos.   PANGINOON, GAWIN MO KAMING MATUWID SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, NA KAMI AY MAKASUNOD SA IYONG BANAL NA KALOOBAN.  

JANUARY 14: ANG PANANAMPALATAYA, LANDAS NG TIPAN.

    BASAHIN: HEBREO 11: 1-10 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Hebreo%2011&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Hebreo%2011&version=MBBTAG ) Ang sulat sa mga Hebreo ang nagbibigay sa atin ng halimbawa ni Noe at Abraham. Ang pananampalataya ay pananalig na naglalapit sa Diyos, ang hindi nakikita ay sapat nang ebidensya. Nauuhaw ang Diyos sa pag-ibig. Nais niyang mahalin siya sa paraang walang pamimilit sa tao sa pamamagitan ng pagbubunyag niya ng kanyang kaluwalhatiang hindi nakikita.   PANGINOON, TAGLAY NAMIN ANG BUHAY NA ITO, UPANG MABUHAY SA PANANAMPALATAYA.

JANUARY 13: ANG PAGTALIMA NI ABRAHAM.

  BASAHIN: GEN. 22: 1-18 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2022&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2022&version=MBBTAG ) Bagamat matanda na, si Sara na asawang legal ni Abraham ay nagbigay sa kanya ng anak na lalaki na matagal na nilang inaasam. At kung gaano kabilis sumunod ni Abraham sa Salita ng Panginoon, ganoon din kabilis niyang handang isakripisyo si Isaac na minamahal niyang anak. Namuhay si Abraham sa pagsunod na buo at tapat. Salamat sa kanya, tayo ay naging anak ng Diyos sa pananampalataya magpakailanman. Si Isaac na kaisa-isang anak ni Abraham at Sara ay magiging sagisag ni Hesus, ang Bugtong na Anak ng Diyos.   TURUAN MO PO AKONG TUMUGON SA IYO, PANGINOON NG “NARITO AKO!” SA ANUMANG MISYON NA IAATAS MO SA AKIN.  

JANUARY 12: ANG TIPAN KAY ABRAHAM, AMA NG MARAMI

  BASAHIN: GEN. 17: 1-19 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2017&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2017&version=MBBTAG )     Ang lumakad sa harap ng Diyos, iyan ay ang manatiling tapat sa Tipan (covenant) na ginawa ng Diyos kay Noe. Iyan din ang ginawa ni Abraham na kahanga-hanga sa pagsunod. Ang Tipan ay sasariwain kay Isaac na anak ni Abraham, at sa kanyang salinlahi. Sa buong kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Tipan ay patuloy na sasariwain at pagtitibayin. Naging bahagi tayo ng bayan ng tipan. Dapat nating panatiliin din itong buhay sa ating isip at pahalagahan ang ating pagkakaisa sa Diyos; sa pamamagitan ni Hesus na nagpatibay ng Tipan sa kanyang dugo, ang “bago at walang hanggang tipan.”     SALAMAT PO, PANGINOON, NA GINAWA MO KAMING TAGAPAGMANA NG TIPAN NA SINIMULAN MO KAY ABRAHAM.

JANUARY 11: ANG PANANAMPALATAYA NI ABRAHAM

  BASAHIN: GEN 12: 1-8, 13:5-18 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2012&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%2012&version=MBBTAG )   Si Abraham ay mula sa lahi ni Noe sa anak na si Sem, lumaki sa Ur sa Persian Gulf, sa gitna ng isang bayang naniniwala sa paganong kulto. Nagbunyag ng sarili ang Diyos sa kanya. Sinabihan siyang iwanan ang kanyang sariling bayan. Pinangakuan siya ng pagbabasbas, kasama na ang kanyang salinlahi at ang lahat ng sasampalataya dahil sa kanya. Sumunod si Abraham, at naging ama ng lahat ng sumasampalataya, ang ating ama sa pananampalataya sa iisa at lubhang mabuting Diyos.   NAWA ANG HALIMBAWA NI ABRAHAM, PANGINOON, ANG MAGING GABAY KO UPANG ISUKO ANG SARILI SA IYO SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD.  

JANUARY 10: ANG BAHAGHARI, TANDA NG TIPAN.

  BASAHIN: GEN 7:1-17, 8:6, 8, 11, 14, 18-20; 9:8-13, 16-17 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG )     Ang nag-iisang mabuting tao sa isang bulok na henerasyon ay naligtas sa baha kasama ang kanyang pamilya. Sa kanya unang nakipagtipan nang pormal ang Diyos. Ang bahag-hari (rainbow) ang tanda ng tunay at kongkretong tipan na ito. Ang bagong henerasyon na si Noe ang ama ay nakinabang sa pangako ng Diyos na ligtas na ang mundo sa pagkawasak.   ANG TIPAN NG PAG-IBIG MO, PANGINOON, ANG LAGI NAWANG MAG-UGNAY SA ATIN!