January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

 

BASAHIN: 1 JUAN 4: 9-16 https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Juan%204&version=MBBTAG

 

 

DIYOS AY PAG-IBIG… Sa tatlong salitang ito, sinasabi ni San Juan kung ano at sino ang Diyos. Ang mga salitang ito ang batayan ng lahat ng bagay; para sa tao, ito ang pagsusuma ng kanyang kaalaman at pakay sa buhay: Diyos ay pag-ibig. 

Ang kaugnayan ng Diyos at tao ay kaugnayan ng pag-ibig. Dito nakabatay ang pagkakaisa ng Diyos at tao at gayundin ang pagkakaisa ng mga taong nakasalig sa Diyos. 

Handog ng Diyos ang pag-ibig, maaaring tanggapin o tanggihan ng tao. Narito ang patunay ng kalayaan natin. Ang pag-ibig ay konektado sa kalayaan. Walang pag-ibig kung walang kalayaan na pumili. Kung walang pag-ibig, ang kalayaan ay magbubunga ng kamatayan. Sa paghahandog ng pag-ibig, ang kalayaan ay nagbubunga ng ating buhay sa Diyos. Ang buong kasaysayan ng kaligtasan na isinasaad sa Bibliya ay dito nagmumula sa tambalan ng kalayaan at ng pag-ibig.

 

O ESPIRITU, APOY NG DIYOS, PUKAWIN MO ANG PUSO KO NG IYONG PAG-IBIG!

 

Comments

Popular posts from this blog

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS