JANUARY 9: SINARIWA NG DIYOS ANG TIPAN.

 

BASAHIN: GEN. 6: 5-9, 13-14, 17, 22

Sa paglipas ng panahon, lumaganap ang kasamaan sa mundo at maging ang Diyos ay nagisisi kung bakit nilikha pa ang tao. Samantala, iniligtas niya ang sangkatauhan alang-alang sa isang taong mabuti. Nakipagtipan ang Diyos sa taong ito. Nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang larawan at wangis, kaya maaatim ba niyang puksain siya sa mundo? Si Noe ang mabuting tao na kahalili ni Adan sa pagpapatuloy ng sangkatauhan at ng buhay ng Diyos sa puso ng tao.
 
DIYOS NG AWA, ILAYO MO PO ANG TAO SA MAKAPAGDADALA SA KASALANAN; MATAGPUAN NAWA NAMIN ANG LANDAS NG PAGSISISI.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS