JANUARY 28: ANG PAGSUBOK SA DISYERTO.
BASAHIN: DEUT 8:1-10
[https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG](https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%208&version=MBBTAG)
Ipinagpapatuloy ng Diyos ang kanyang mga pangako sa mahal niyang bayan. Sa dulo ng apatnapung taon ng pamali-maling paglalakbay sa disyerto, isiniwalat niya ang kahulugan ng mahirap at walang tigil na paglalakbay na ito; ang pagsubok ay isang pagtuturo sa mga tao sa gitna ng kahirapan at kakulangan. Ganito pa din nagtuturo ang Diyos ng aral sa buhay ng kanyang mga minamahal.
PANGINOON, IBIGAY MO ANG BIYAYA NA MAISABUHAY NAMIN ANG MGA PAGSUBOK BILANG LANDAS TUNGO SA KABABAANG-LOOB NA MAGDADALA SA AMIN SA LALONG MALALIM NA PANANAMPALATAYA.
Comments
Post a Comment