JANUARY 20: ANG UNANG PASKUWA, ANG PAGDAAN NG PANGINOON.

 

EXO 12:1-41
 
 
Sa huling yugto ng pagliligtas, inanyayahan ng Diyos ang mga pamilya ng Israel na magsakripisyo ng kordero (lamb) o batang tupa. Siya naman mismo ang dadaan sa mga pintuan ng kanilang tirahan. Ang pagdaan ng Panginoon, ang pagtawid na ito ay ang “Paskuwa” ng Panginoon. Ilang libong taon matapos ito, ang Diyos mismo ang magiging korderong isinakripisyo (lamb of sacrifice), sa katauhan ni Kristo Hesus. Ngayon ang Paskuwa ay nagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon (Easter paschal event). Tulad ng dugo ng kordero, ang Dugo ng Kordero ng Diyos ang nagliligtas sa sangkatauhan, dahil si Hesus ang siyang Tagapagligtas ng mundo.
 
PANGINOON, TATAKAN NAWA AKO NG DUGO NG KORDERONG INIALAY, SA AKIN NAWA ITO AY MAGING PASKUWA NA WALANG KATAPUSAN.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS