JANUARY 7: ANG PAGLABAG SA TIPAN.
BASAHIN: GEN 3: 1-15
[https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%203&version=MBBTAG](https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%203&version=MBBTAG)
Nagwalang-bahala ang lalaki at babae sa kalayaang handog sa kanila ng Diyos ng pag-ibig sa halamanan. Nilabag nila ang dakilang utos, at nagpadala sa tukso ng isang tinawag ni Kristo na “mamamatay-tao sa simula pa” (Jn 8:44); subalit ang pagkakamaling ito ay hindi humantong sa pagsasara ng puso ng Diyos. Ang awa ng Diyos ay walang hanggan. Matutunghayan dito ang mahalagang gampanin ng Ina ni Kristo (Gen. 3:15) sa tunggalian laban sa “ama ng kasinungalingan” (Jn 8:44) at lubos na kasamaan.
O ESPIRITU SANTO, TULUNGAN MO AKONG MAKILATIS ANG MABUTI AT MASAMA SA ARAW-ARAW KONG BUHAY.
Comments
Post a Comment