JANUARY 12: ANG TIPAN KAY ABRAHAM, AMA NG MARAMI

 

BASAHIN: GEN. 17: 1-19
 
 Ang lumakad sa harap ng Diyos, iyan ay ang manatiling tapat sa Tipan (covenant) na ginawa ng Diyos kay Noe. Iyan din ang ginawa ni Abraham na kahanga-hanga sa pagsunod. Ang Tipan ay sasariwain kay Isaac na anak ni Abraham, at sa kanyang salinlahi. Sa buong kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Tipan ay patuloy na sasariwain at pagtitibayin. Naging bahagi tayo ng bayan ng tipan. Dapat nating panatiliin din itong buhay sa ating isip at pahalagahan ang ating pagkakaisa sa Diyos; sa pamamagitan ni Hesus na nagpatibay ng Tipan sa kanyang dugo, ang “bago at walang hanggang tipan.”
 
 SALAMAT PO, PANGINOON, NA GINAWA MO KAMING TAGAPAGMANA NG TIPAN NA SINIMULAN MO KAY ABRAHAM.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS