JANUARY 21: SI KRISTO ANG ATING PASKUWA, ANG KORDERONG PINATAY.

 

 

PAHAYAG 5:6-14

 

Ang pangitain ng Korderong pinatay/ isinakripisyo ang nagbubunyag ng tagumpay ni Kristo at ang pagdating ng Kaharian. Ipinagbubunyi siya ng malaking hukbo ng mga taong naaakit sa kanya. Isinisigaw ni San Pablo sa kanyang mga sulat (epistles), na parang isang awit ng tagumpay, ang bagong kahulugan ng pagtawid - ang kamatayan at Pagkabuhay ni Kristo na siya ngayong Paskuwa ng Bagong Tipan.
 
Sa aklat ng Pahayag (Apocalypse o Revelation), mababasa sa istilong simboliko na karaniwan sa Lumang Tipan, ang malalim na kahulugan ng kasaysayan kasama ang misyong propetiko ng Simbahan at ang pagdating ng bagong sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus. Siya ang Korderong pinatay/ isinakripisyo, na ang kamatayan ay naging katubusan ng lahat. Siya ang muling nagtatag ng pagkakaisa sa papuri at ang ating panalanging taimtim: "Halina, Panginoong Hesus!" At kanyang pangako: "Oo, darating akong muli!" Ang aklat ng Pahayag ay tunay na aklat ng pag-asa.
 
PANGINOONG HESUS, KORDERO NG DIYOS, ANG IYONG PASKUWA, ANG PAGTAWID MO SA KAMATAYAN AT PAGKABUHAY, ANG TANDA NG AMING PAG-ASA.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS