JANUARY 8: ANG UNANG PAGPATAY.

 

 

BASAHIN: GEN. 4: 1-15

 

Bumalik ang kasamaan na may matinding puwersa sa hanay ng sangkatauhan. Ang unang pagpatay sa kasaysayan ay pagpaslang sa pagitan ng magkapatid sa si Cain at Abel. Lahat ng pagpatay ay pagpatay sa kapatid, dahil ang pinapaslang ay isang taong anak ng Diyos Ama at lahat ay magkakapatid sa kanya. Kahit ang mamamatay ay nakakabahagi din sa mahiwagang proteksyon na ibinigay ng Diyos kay Cain. Ang awa ng Diyos ay walang pinipili, kahit makasalanan, basta magsisisi at tumawag sa kanya.
 
PANGINOON, MAAWA KA SA MGA PUMAPATAY SA KANILANG KAPWA; PATI NA SA MGA PUMAPATAY NG KALULUWA NG IBA; PAGBAGUHIN MO PO SILA!

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS