JANUARY 4: INIHANDA NG DIYOS ANG MUNDO UPANG SALUBUNGIN ANG TAO.

 

BASAHIN: GEN. 1:14-25.  https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%201&version=MBBTAG

 

 

Ang salaysay ng bawat yugto ng paglikha ay tila isang makapangyarihang tula. Hindi ito dapat ituring na salaysay na siyentipiko kundi isang pagtuturong teyolohikal (hindi science kundi pananampalataya ang pakay nito). Taglay ang pag-ibig, inihanda ng Diyos, sa kanyang marangyang plano, ang mundo na siyang magiging tirahan ng tao. Sa masaganang tirahang ito, dapat magkaroon ang tao ng isang karunungang mapagnilay. Dapat magkaroon ang bawat Kristiyano ngayon ng isang isip na laging namamangha sa tahanang inihanda ng Manlilikha para sa ating lahat, isang pagkamangha sa kalikasan!
 
PANGINOON, BIGYAN MO AKO NG PAGHANGA AT PAGGALANG SA KALIKASAN AT LAHAT MONG NILIKHA!

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS