JANUARY 16: IBINUNYAG NI HESUS ANG KANYANG PAGKA-DIYOS.
BASAHIN: JUAN 8:51-59
[https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG](https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan%208&version=MBBTAG)
Ipinakita ni Hesus ang kanyang tunay na pagkakakilanlan (identity) bilang Diyos. Ibinigay niya ang kanyang pangalan – siya ang Walang Hanggan. Ang pananampalataya sa kanya ang nagbubukas sa atin ng buhay na walang hanggan. Si Abraham ang ama ng mga sumasampalataya; Si Hesukristo ang huling hantungan natin tungo sa Ama at sa Espiritu Santo.
PANGINOON, MANATILI NAWA AKONG MATAPAT SA IYONG SALITA. SA PAMAMAGITAN NIYA, MARATING KO NAWA ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
Comments
Post a Comment