JANUARY 10: ANG BAHAGHARI, TANDA NG TIPAN.
BASAHIN: GEN 7:1-17, 8:6, 8, 11, 14, 18-20; 9:8-13, 16-17
[https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG](https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis%207&version=MBBTAG)
Ang nag-iisang mabuting tao sa isang bulok na henerasyon ay naligtas sa baha kasama ang kanyang pamilya. Sa kanya unang nakipagtipan nang pormal ang Diyos. Ang bahag-hari (rainbow) ang tanda ng tunay at kongkretong tipan na ito. Ang bagong henerasyon na si Noe ang ama ay nakinabang sa pangako ng Diyos na ligtas na ang mundo sa pagkawasak.
ANG TIPAN NG PAG-IBIG MO, PANGINOON, ANG LAGI NAWANG MAG-UGNAY SA ATIN!
Comments
Post a Comment