JANUARY 13: ANG PAGTALIMA NI ABRAHAM.

 

BASAHIN: GEN. 22: 1-18

Bagamat matanda na, si Sara na asawang legal ni Abraham ay nagbigay sa kanya ng anak na lalaki na matagal na nilang inaasam. At kung gaano kabilis sumunod ni Abraham sa Salita ng Panginoon, ganoon din kabilis niyang handang isakripisyo si Isaac na minamahal niyang anak. Namuhay si Abraham sa pagsunod na buo at tapat. Salamat sa kanya, tayo ay naging anak ng Diyos sa pananampalataya magpakailanman. Si Isaac na kaisa-isang anak ni Abraham at Sara ay magiging sagisag ni Hesus, ang Bugtong na Anak ng Diyos.
 
TURUAN MO PO AKONG TUMUGON SA IYO, PANGINOON NG “NARITO AKO!” SA ANUMANG MISYON NA IAATAS MO SA AKIN.
 

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS