JANUARY 6: WALANG HANGGAN ANG KANYANG PAGMAMAHAL.
BASAHIN: AWIT 135: 1-9 - [https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20135&version=MBBTAG](https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mga%20Awit%20135&version=MBBTAG)
Sa katapusan ng paglikha, dapat lamang na ibulalas ang ating awit ng papuri at pagkilala. Dito nararapat gamitin ang isang Salmo/ Awit. Ang salmo o awit (sa griyego ay “psalmos”) ay isang awit sa saliw ng gitara na nagmumula sa awit pagsamba; nilikha ang salmo para sa pagpupuri sa Diyos. Ang mga Salmo/ Awit ay isang malaking koleksyon ng mga pagsamo at pagtawag sa Diyos sa iba’t-ibang okasyon. Ang Awit 135 ay pasasalamat at kagalakan sa Diyos na Manlilikha ng lahat, sa Diyos ng Pag-ibig. Inaawit ito nang sagutan, habang nagpuprusisyon ang mga Hudyo; awit ito ng sangnilikha na nakabatay sa pag-ibig na siyang pinagmulan at taluktok ng lahat ng bagay.
SALAMAT PO, PANGINOON, SA PAG-IBIG MONG WALANG HANGGAN!
Comments
Post a Comment