FEBRUARY 5: ANG PANALANGIN NI DAVID, NATUPAD KAY HESUS.
BASAHIN:
2 SAM. 7: 18-29
Taglay ni David ang isang malalim na pusong relihyoso at bukas sa Diyos. Pinili siya ng Diyos upang maghari sa Israel. Higit sa lahat, sa kanya magmumula ang pinakamarangya na bulaklak ng tangkay ni Jesse: ang ating Panginoong Hesukristo, ang Haring mananatili walang hanggan. Si David ay lingkod ayon sa puso ng Diyos. Ang sumusunod na panalangin niya ay patunay nito:
PURIHIN KA, PANGINOON, SA IYONG DAKILANG PLANO NG PAG-IBIG! BASBASAN MO ANG AKING PAMILYA AT MGA KAIBIGAN NA LAGI KAMING MANATILI SA HARAPAN MO.
Comments
Post a Comment