FEBRUARY 3: ANG PAGPILI KAY DAVID, NINUNO NI KRISTO

 

BASAHIN:
1 SAM. 16: 1-13
 
 
Ipinasa ni Samuel, ang huling Hukom, ang kapangyarihan kay Saul, ang unang hari ng Israel bandang taong 1030. Matapos ang dalawampung taon, si Saul ay naging taksil sa kanyang gampanin, at tinalikuran niya ang Panginoon. Naatasan si Samuel na maghanap ng kapalit ni Saul. Natuklasan niyang para sa Diyos, ang batayan ng pagpili ay ang loob ng puso at hindi ang panlabas na anyo lamang. Dumating na tayo sa panahon ni David, ang ninuno ni Hesus.
 
ILIKHA MO AKO NG PUSONG DALISAY, PANGINOON. PANIBAGUHIN AT PATATAGIN MO ANG AKING KALOOBAN SA TULONG NG IYONG ESPIRITU SANTO. TURUAN MO AKONG KUMILATIS NG PUSO AT HUWAG MAPAKO SA PANLABAS NA ANYO.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS