FEBRUARY 2: MAGSALITA KA, PANGINOON AT MAKIKINIG ANG IYONG LINGKOD

 

BASAHIN:
1 SAMUEL 3: 1-10, 19-20
 
 
Dalawang daang taon matapos si Josue, si Samuel ang naging Hukom sa Israel. Bandang 1040 BC nagsimula ang panahon ng mga Hukom, na tumagal ng isang siglo ( isang siglo = isandaang taon) at kalahati. Naganap ang mga pagtataksil sa Diyos at mga kasamaan, na may kasama ding panahon ng pagbabalik-loob sa biyaya. Mula sa kanyang pagkabata, inihanda na ng Panginoon si Samuel para maging Hukom at propeta. Kapag tinawag tayo ng Diyos upang bigyan ng atas, ng gampanin, o ng misyon, tulad ni Samuel, sabihin natin: Magsalita ka, Panginoon, nakikinig ang iyong lingkod.
 
PAGKALOOBAN MO AKO, PANGINOON, NG ISANG PUSONG LAGING NAKIKINIG SA IYONG TAWAG.

Comments

Popular posts from this blog

January 1: DIYOS AY PAG-IBIG

January 2: SI HESUKRISTO, ANG SALITA NG DIYOS