Posts

FEBRUARY 5: ANG PANALANGIN NI DAVID, NATUPAD KAY HESUS.

  BASAHIN: 2 SAM. 7: 18-29 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20Samuel%207&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20Samuel%207&version=MBBTAG ) Taglay ni David ang isang malalim na pusong relihyoso at bukas sa Diyos. Pinili siya ng Diyos upang maghari sa Israel. Higit sa lahat, sa kanya magmumula ang pinakamarangya na bulaklak ng tangkay ni Jesse: ang ating Panginoong Hesukristo, ang Haring mananatili walang hanggan. Si David ay lingkod ayon sa puso ng Diyos. Ang sumusunod na panalangin niya ay patunay nito:   PURIHIN KA, PANGINOON, SA IYONG DAKILANG PLANO NG PAG-IBIG! BASBASAN MO ANG AKING PAMILYA AT MGA KAIBIGAN NA LAGI KAMING MANATILI SA HARAPAN MO.

FEBRUARY 4: ANG LUNGSOD NI DAVID.

  BASAHIN: 2 SAM 5:1-12 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20Samuel%205&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=2%20Samuel%205&version=MBBTAG )     Si David ang pinakasentrong karakter sa Lumang Tipan ng Bibliya, at nabanggit mga isang libong beses sa buong Banal na Aklat. Si Hesus mismo ay kinilala sa Bibliya sa kanyang kaugnayan kay David – Ang Anak ni David! Tinalo ni David si Goliat, nilupig ang mga kaaway ng bayan ng Diyos, at tinipon ang mga tribo ng Juda at Israel. Sinakop niya ang Jerusalem at dinala doon ang Arko ng Tipan kaya ito naging sentro ng pulitika at relihyon ng Israel. Sinariwa niya ang Tipan ng bayan sa Panginoong Diyos.   PANGINOON, IKAW ANG AKING LAKAS: AKING BATO AT TANGGULAN. SA IYONG KAPANGYARIHAN LAMANG AKO NAGTITIWALA.

FEBRUARY 3: ANG PAGPILI KAY DAVID, NINUNO NI KRISTO

  BASAHIN: 1 SAM. 16: 1-13 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Samuel%2016&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Samuel%2016&version=MBBTAG )     Ipinasa ni Samuel, ang huling Hukom, ang kapangyarihan kay Saul, ang unang hari ng Israel bandang taong 1030. Matapos ang dalawampung taon, si Saul ay naging taksil sa kanyang gampanin, at tinalikuran niya ang Panginoon. Naatasan si Samuel na maghanap ng kapalit ni Saul. Natuklasan niyang para sa Diyos, ang batayan ng pagpili ay ang loob ng puso at hindi ang panlabas na anyo lamang. Dumating na tayo sa panahon ni David, ang ninuno ni Hesus.   ILIKHA MO AKO NG PUSONG DALISAY, PANGINOON. PANIBAGUHIN AT PATATAGIN MO ANG AKING KALOOBAN SA TULONG NG IYONG ESPIRITU SANTO. TURUAN MO AKONG KUMILATIS NG PUSO AT HUWAG MAPAKO SA PANLABAS NA ANYO.

FEBRUARY 2: MAGSALITA KA, PANGINOON AT MAKIKINIG ANG IYONG LINGKOD

  BASAHIN: 1 SAMUEL 3: 1-10, 19-20 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Samuel%203&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Samuel%203&version=MBBTAG )     Dalawang daang taon matapos si Josue, si Samuel ang naging Hukom sa Israel. Bandang 1040 BC nagsimula ang panahon ng mga Hukom, na tumagal ng isang siglo ( isang siglo = isandaang taon) at kalahati. Naganap ang mga pagtataksil sa Diyos at mga kasamaan, na may kasama ding panahon ng pagbabalik-loob sa biyaya. Mula sa kanyang pagkabata, inihanda na ng Panginoon si Samuel para maging Hukom at propeta. Kapag tinawag tayo ng Diyos upang bigyan ng atas, ng gampanin, o ng misyon, tulad ni Samuel, sabihin natin: Magsalita ka, Panginoon, nakikinig ang iyong lingkod.   PAGKALOOBAN MO AKO, PANGINOON, NG ISANG PUSONG LAGING NAKIKINIG SA IYONG TAWAG.

FEBRUARY 1: PALAGI MONG KASAMA ANG DIYOS.

  BASAHIN: JOSUE 1: 1-9 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Josue%201&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Josue%201&version=MBBTAG )   Matapos mamatay si Moises malapit sa Lupang Banal, si Josue na kanyang alalay, ang nagsilbing pinuno ng Israel. Dinala niya ang bayan sa matagumpay sa pagsakop sa lupain ng mga Filisteo. Ang naging susi ng tagumpay na ito ay ang katapatan muli sa Batas ng Panginoon. Itong katapatan na ito ang nagbigay ng lakas at tapang sa kanila. Ito ang sumpa nila na mananatiling nakatuon sa Tipan.   SINASABI MO SA AKIN ARAW-ARAW, PANGINOON: BUMANGON KA, HUWAG MATAKOT! KASAMA MO AKO!

JANUARY 31: ANG PAGPILI SA BUHAY O SA KAMATAYAN.

  BASAHIN: DEUT. 18: 13-22; 30: 15-20 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2018&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2018&version=MBBTAG ) at https://www.biblegateway.com/passage/... Narito ang isang sipi ng dakilang paglalahad ni Moises sa mga tao ng Israel. Nagsasalita sa pamamagitan niya ang Espiritu Santo. Tinuturuan niya ang mga kaluluwa nila habang papunta sila sa Lupang Pangako. Kaya siya ang unang propeta ng Israel. Bilang tagapagpalaya, gabay at mambabatas ng bayan ng Diyos, si Moises ay sagisag ni Hesus, ang katangi-tangi at sukdulang Tagapamagitan ng Diyos at ng tao. Sa mga talatang ito mula sa Deuteronomio, ipinapakita ang mga kondisyon at hamon ng Tipan.   ANG BUHAY AT KALIGAYAHAN AY MATATAGPUAN SA TINIG NG PANGINOON. IHAYAG MO, PANGINOON, ANG IYONG TINIG SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA KASULATAN.

JANUARY 30: ANG DIYOS LAMANG ANG SUNDIN

  BASAHIN: DEUT. 13:1-9; 14: 1-2 [ https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2013&version=MBBTAG ]( https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomio%2013&version=MBBTAG ) Sa parte ng Diyos, palagi siyang tapat sa kanyang mga anak. Kaya nais niya umiwas sila sa mga maling propeta at sa mga diyus-diyosan. Buong tiyaga na ginagabayan sila kahit na patuloy silang nagbibigay ng sama ng loob sa Panginoon dahil sa kanilang pagtalikod. At lubhang masaya ng Panginoon tuwing mamahalin siya ng bayan nang buong puso at buong pagkatao nila. Narito ang isang magandang pananalita mula kay Moises, sa dulo ng kanyang buhay.   DIYOS NG PAG-IBIG, IKAW AY MAPANIBUGHUIN; SA LAHAT NG BAGAY MANATILI NAWA AKONG TAPAT SA IYONG SALITA.