PAMBUNGAD sa TAGALOG CATHOLIC BIBLE READING
Ang ating sisimulan na Tagalog Daily Bible Reading bukas ay tutulong sa atin na maunawaan ang kaugnayan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng tinatawag na “Tipan” (covenant) na sinimulan kay Noah, Abraham, sa bayang Israel at sa ating lahat ngayon sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Babalik-balikan natin ang “Tipan” habang binabasa ang Luma at Bagong Tipan ng Bibliya. Bawat araw ay may isang paksa o plano, na unti-unti lamang magbubukas ng ating kaisipan sa kahulugan ng Salita ng Diyos. Kasunod nito ay maigsing paliwanag upang lalo nating malasap ang mensahe ng pagbasa. Ang pagbasa ay hindi mahaba tulad sa ibang Bible reading na kailangang basahin ang ilang kabanata bawat araw, hindi po!; minsan ilang talata lamang (short verses) o ilang talata mula sa magkakaugnay na kabanata (short verses from different chapters) ang kailangan dahil ang nais natin ay makuha lamang ang “sustansya” (essential element) ng mensahe ng Diyos at hindi bawat detalye n...